Long Distance Relationship?
Yung tipong dagat ang inyong pagitan
At langit nalang ang kapwa ninyo tinitingnan
Kung saan oras, araw at taon
Ang lilipas na hindi kayo magkasama
Sisikat at lulubog ang araw at buwan
Na hindi ninyo kapiling ang isa’t-isa
At sangkap ay telepono
Sa matamis ninyong pagmamahalan
Internet naman ang tulay sa milya-milya ninyong pagitan
At ang mga kuhang litrato ang mga kwento sa bawat pangyayari sa buhay ninyo
Na nagsasabi sa puso niyo
Sana andito ka, sana kasama kita
Sa madaling salita
Ang naging inyong sandalan
Ay ang pagmamahalan, pagtitiwala at mga pangako
Marahil isa ka sa sasagot nang hindi
Dahil ba ang panahon at ang mundo na ating ginagalawan ay nababalot ng tukso?
Dahil ba mahirap sumugal ng hindi mo alam?
Kung karapat-dapat ba siya sa pagtitiwala mo?
O dahil takot kang umasa at sa huli ikaw lang ang masasaktan
Sadyang maraming kinatatakutan ang tao
Takot masaktan, takot matalo at takot umasa
Kaya ang ganitong klase ng relasyon
Unti-unti na lamang naging alamat
Hindi pinaniniwalaan
At kathang-isip na lamang
Hindi ba sapat na sandata ang pagmamahal?
Para labanan ang tukso at magtiis?
Hindi ba karapat-dapat itaya ang buo mong pagtitiwala?
Para sa iyong taong minamahal?
At higit sa lahat, ‘di ba tama na humawak ka sa pangako?
Na magsisilbi mong gamot sa takot, lungkot at sakit na iyong madarama?
Sadyang nilikha ang mundo na balanse
Lahat may kakambal at hindi nag-iisa
Ang saya may kakambal na lungkot
Ang ginhawa may kakambal na hirap
Ang panalo may kakambal na pagkatalo
At ang puso natin masasabi kong may kakambal
Hindi isang kabiyak
Dahil tumitibok ang puso natin nang buo
Hinahanap lang nito ang magpapabalanse sa kanya
Paano kung ang taong iyon ay nasa malayo?
Hindi ka ba susugal?
Handa ka bang maghintay
Handa ka bang masaktan?
handa ka bang umasa?
Bakit hindi mo subukan?
Sa ngayon sakit, lungkot at hirap ang iyong madarama
Pero darating ang araw na babaligtad ang lahat ng iyan
Sa tamang panahon at pagkakataon
Kung saan ang mga kamay ninyong dalawa
Ay muling maglalapat ang init ng kanyang yakap
At ang ngiti sayong labi ay muling mabubuo
At ang iyong puso ay muling titibok
Kasabay ang kakambal nito
Dahil masarap yung sumubok, sumugal at naniwala
Kaysa sa sumuko
At walang bahala


















aray!!
hindi mo ko gustong patamaan ng mga linyang,
Paano kung ang taong iyon ay nasa malayo?
Hindi ka ba susugal?
Handa ka bang maghintay
Handa ka bang masaktan?
handa ka bang umasa?
e paano kung isa sa inyo hindi marunong tumaya ng lotto?
kinantot ng malas, naubos na ang alawans sa eskwela
naitabing pera galing sa sweldo?
paano ka pa makakauwi, mapupuntahan yung sinasabi mong “sana kasama kita”
naniniwala ako sa long distance relationship.
kung wala ba nito, may mabubuo bang katagang “pen pal” “txtm8″ o “ka-cyber”?
kung ang kabuntot nito ay “sideline” at “booking,”
basta tumikim ka lang ng hindi nya nalalaman, ok na.
e bakit hindi ka na lang magnamedrop? haha
kailangan ba magname drop? baka mawala ang ldr ahahaha!
Para saken ba ito? O para sayo? hahaha
para sa atin. pak!
Add a comment…